176K pamilya apektado kay Quinta

176K pamilya apektado kay Quinta

October 30, 2020 @ 2:25 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umakyat na sa 176,532 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Quinta sa anim na rehiyon.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na napinsala ng bagyong Quinta ang 775,513 indibidwal na nakatira sa 2,469 barangay sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Western, Eastern Visayas.

Tinatayang 2,206 pamilya o 8,649 indibidwal ang nasa 150 evacuation centers.

Nagdulot din ang naturang bagyo ng 66 insidente ng pagbaha; 22 landslide; anim na maritime mishaps; isang storm surge sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Cordillera Region, National Capital Region. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...