177 arestado sa paglabag sa Halalan 2022 gun ban- PNP

177 arestado sa paglabag sa Halalan 2022 gun ban- PNP

January 18, 2022 @ 6:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang 177 indibidwal sa paglabag sa gun ban kaugnay ng May 2022 elections, hanggang nitong Martes.

Base sa datos ng PNP, sibilyan lahat ng 15 bagong violators.

Nakumpiska sa kanila ang 12 firearms, 32 ammunition, dalawang deadly weapons, at tatlong iba pang items, ayon sa PNP.

Naiulat naman ang mga bagong violator mula sa Benguet, Batangas, Cavite, Cotabato City, Negros Occidental, Sultan Kudarat, Saranggani, Davao del Sur, Ilocos Norte, Manila, Pasay, Mandaluyong, at Parañaque.

Umaabot sa 31,190 checkpoint operations ang umiiral sa gitna ng gun ban.

Umapela naman ang PNP sa publiko na sumunod sa inilabas na resolusyon ng Comelec dahil maaari silang maparusahan sa paglabag dito. RNT/SA