177 pasilidad apektado ng magnitude 7.0 lindol

177 pasilidad apektado ng magnitude 7.0 lindol

August 1, 2022 @ 1:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kabuuang 177 health facilities ang apektado ng pagyanig ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra , ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Office-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang naturang mga pasilidad ay mga ospital, rural health units, barangay health station, at city at municipal health offices.

Ayon kay Vergeire, ang talagang naapektuhan ay ang Abra, ang Provincial Hospital ng pamahalaan.

Pero sinabi ni Vergeire na agad naman itong napuntahan at nakapagset-up ng tents at nagdeploy ng mga equipment para sa naturang ospital.

Ang Philippine Medical Emergency team na binubuo aniya ng specialist mula sa iba’t ibang government hospitals ay tumutulong na sa nasabing ospital kaya walang pagkaantala pagdating sa serbisyo medikal.

Nauna nang sinabi ni DOH Usec. Beverly Ho na nagpadala na sila ng  mga truck na lulan ang 20 tents, 200 cot beds, hygiene kits, gamot at iba pang suplay sa mga apektadong lugar ng lindol. Jocelyn Tabangcura-Domenden