1,774 kaso ng COVID naitala

1,774 kaso ng COVID naitala

November 19, 2022 @ 9:05 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mas mataas ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 na naitala nitong Biyernes, Nobyembre 18 na nasa 19,267 kumpara sa 18,467 noong Huwebes ayon sa datos ng Department of Health.

Nakapagtala rin ng 1,774 na bagong kaso ng sakit na ngayon ay pumalo na sa 4,023,798 ang kabuuang bilang.

Sa mga rehiyon, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagrehistro ng pinakamataas na kaso sa nagdaang dalawang linggo na may 3,351, sinundan ng Calabarzon na may 1,984, Western Visayas na may 1,512, Central Luzon na may 1,165, at Central Visayas na may 1,058.

Kabuuang 3,940,073 na rin ang recovery tally sa bansa habang umakyat na sa 64,458 ang death toll.

Umabot naman sa 12,248 indibidwal ang sinuri sa COVID-19 habang 341 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang datos sa DOH noong Nobyembre 17.

Samantala, tumaas din ang bed occupancy rate sa bansa sa 24.4% na mayroong 6,870 na okupadong kama at 21,308 na bakante noong Miyerkules, Nobyembre 16. Jocelyn Tabangcura-Domenden