1,791 pang bagong kaso ng COVID naitala; 55 nasawi, 328 gumaling

1,791 pang bagong kaso ng COVID naitala; 55 nasawi, 328 gumaling

November 21, 2020 @ 4:05 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ng 1,791 aktibong kaso ng COVID-19 ang bansa, ayon sa bagong tala ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Nobyembre 21.

Patuloy ring binabantayan ang 33,224 kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Umabot naman sa 416,852 ang kabuuang COVID-19 case habang nakarekober na ang nasa 375,548 makaraang madagdagan ng 328 recoveries.

Naitala naman ang 55 na nasawi na ngayon ay nasa 8,080 na.

Sa mga aktibong kaso, 84.5% ang mild; 8.7% ang aymptomatic; 4.3% ang critical at 2.3% severe.

Sa mga bagong naitalang kaso, ang Tarlac ang nakapagtala ngayong araw ng mataas na bilang na nasa 211; Davao City,115; Laguna,74; Cavite, 69 at Negros Occidental 65.

Samantala, nagpaalala ang DOH sa publiko na sa papalapit na Disyembre,  patuloy na sumunod sa minimum public health  standards.

Iwasan ang mga large indoor gathering pagkat dala nito ang mataas na panganib na dala ng COVID-19 infection.  Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...