17K pulis magbabantay sa mga turista sa Mahal na Araw- PNP

17K pulis magbabantay sa mga turista sa Mahal na Araw- PNP

March 18, 2022 @ 5:12 PM 4 months ago


MANILA, Philippines- Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng halos 17,000 tauhan sa “places of convergence” sa buong bansa upang mabantayan ang mga biyaheri para sa Mahal na Araw at sa panahon ng tag-init.

Inilahad ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo nitong Biyernes na maglalagay  ng help desks at police assistance posts sa ilang tourist destinations at ilang daanan papunta sa mga ito.

Sa nilang na ito nasa 5,000 tauhan ang itatalaga bilang tourist police sa mga lugar kung saan maraming turista ang pumupunta kagaya ng Boracay Island.

“Inaatasan na rin ang mga field commanders na makipag ugnayan sa mga local chief executives po natin lalong lalo na dito sa ating mga local tourism offices para po masiguro na magiging ligtas ang ating mga turista both local and foreign, aasahan din natin ang pagdagsa ng ating mga turista lalong lalo na ngayon na halos wala nang restriction kung meron man ay very minimal na ang restriction pagdating sa travel and movement,” aniya.

Ayon pa kay Fajardo, aasistihan sila ng 42,000 force multipliers at mga boluntaryo sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad. RNT/SA