17K trabaho nakaabang sa displaced OFWs sa Saudi

17K trabaho nakaabang sa displaced OFWs sa Saudi

November 19, 2022 @ 1:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Nobyembre 19 na hindi bababa sa 17,000 oportunidad sa trabaho ang naghihintay para sa mga displaced overseas Filipino workers.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, na ang special job fair ay tutugon sa mga displaced OFWs na dating nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

“We will be holding a series of special job fairs for OFWs whose companies in Saudi Arabia declared bankruptcy as far back as 2015-2016,” sabi ni Ople.

Mahigit sa 11,000 job opportunities abroad ang available para sa target na grupo gayundin ang 6,000 posisyon sa lokal kasabay ng livelihood programs.

Ang mga alok na trabaho ay sa Middle East (Qatar, Kuwait, Bahrain, Saudi Arabia, and the UAE), Europe (Croatia, Germany, Hungary), Asia (Brunei, China, Japan, Hong Kong, Malaysia, Singapore), Oceania (Australia, New Zealand), Morocco at Cayman Islands.

Kabilang naman sa hinahanap na propesyon ang mga nurse at semi-skilled workers o karpintero, kasama ang nangungunang tatlong bansa na nagbubukas ng mga pagkakataon ay sa New Zealand, Hongkong at Saudi Arabia.

Samantala, limang pribadong lokal na kompanya ang mag-eempleyo ng 4,526 indibidwal.

Ang mga interesadong aplikante ay maaring sumali sa special job fair sa Starmall sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard sa Mandaluyong City mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden