18.6M estudyante enrolled na-DepEd

18.6M estudyante enrolled na-DepEd

August 11, 2022 @ 9:27 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit 18.6 milyong mag-aaral sa basic education ang nagparehistro para sa darating na pasukan, ayon sa datos ng Department of Education.

Sa isang press conference, sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na ang bilang ay nasa katumbas ng “64 hanggang 67 porsiyento” na target ng ahensya na 28.6 milyong mag-aaral.

Hinimok naman ni Poa ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak sa lalong madaling panahon upang matulungan ang mga paaralan na maghanda para sa school year.

“Ang experience [kasi] natin in previous years, sa last day of enrollment and even during bukas na ‘yong schools, tumatakbo ‘yong klase, nage-enroll pa ‘yong learners,” aniya.

Ang mga numero ng “konkretong” enrollment ay maaaring makatulong sa DepEd na epektibong maipatupad ang mga estratehiya nito sa COVID-19, dengue, monkeypox at lindol sa hilagang Luzon, paliwanag ni Poa.

Ang pagpapatala ay tatakbo mula Hulyo 25 hanggang Agosto 22 o ang unang araw ng mga klase. RNT