18-anyos na estudyante, patay sa umano’y hazing sa Laguna

18-anyos na estudyante, patay sa umano’y hazing sa Laguna

March 21, 2022 @ 3:00 PM 3 months ago


LAGUNA, Philippines – Patay ang isang 18-anyos na estudyante matapos na umano’y sumailalim sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity nitong Linggo sa Kalayaan, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Rermarc Rabutazo, resident ng Barangay Longos ng nasabing bayan.

Ayon sa Kalayaan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng ulat na isang binate ang nasawi matapos malunod sa ilog.

Isinugod sa General Cailles Hospital sa Pakil, Laguna ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Nakitaan pa ng mga pasa sa hita si Rabutazo.

Kaugnay nito, humiling ang mga awtoridad ng ma-autopsy ang bangkay ng binata habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga miyembro at opisyal ng Tau Gamma. RNT/ JCM