18 empleyado ng Peryahan ng Bayan nadakma sa pagsalakay

18 empleyado ng Peryahan ng Bayan nadakma sa pagsalakay

October 16, 2022 @ 4:27 PM 1 month ago


BUGUEY, CAGAYAN – Nadakma ng Criminal Investigation and Detection Group- Regional Field Unit 2 o CIDG RFU2 at Buguey Police Station ang 18 empleyado kasama ang table manager at tatlong clerk sa pagsalaka ng pulisya sa bolahan ng kontrobersiyal na Peryahan ng Bayan sa Centro, Buguey, Cagayan.

Sa tulong ng PCSO, ni-raid ang “bangka” na nagresulta mismo sa pagkakadakip ng table manager ng PnB na si Ginoong Butch Sta.Maria y Leabres, 36 anyos at residente ng Bagong Silang, Cabiao, Nueva Ecija.

Kasama din sa nahuli ang tatlo ding opisyal ng Peryahan na pawang mga accounting clerk na kinilalang sina Lea Ann Battung y Pitas, 32 anyos, taga Centro West, Buguey, Venus Arlos 39 anyos residente ng Cabuluan, Alcala at Gemma Garcia y Martin, 57 anyos, residente ng Barangay Carmen Saragoza, Nueva Vizcaya.

Ang labing apat (14) pang dinakip ay kinabibilangan ng blocker na si Dein Gapanuan, 22 anyos, residente ng Maura, Aparri, ang empleadong si Ronie Chan, 37 anyos, residente naman ng Sto. Nino, San Jose, Nueva Ecija at ang mga cabo na sina Linalis Bilog, 47 anyos ng Centro, Buguey, Marilyn Roquillo, 59 anyos ng Centro, Buguey, Vangie Cabe, 52 anyos residente ng Sta. Maria, Buguey, Marilyn Serna, 59 anyos, residente ng Centro, Buguey, Lorena Velasco, 44 anyos residente din ng Centro, Buguey, Nena Payungan, 60 anyos, residente ng San Isidro, Buguey, Lita Supnet, 62 anyos ng Villa Leonora, Buguey, Walter Sebastian, 57 anyos, residente ng Villa Leonora, Buguey, Eduardo Macabangun, 64 anyos, ng San Isidro, Buguey, Dennis Viloria, 38 anyos residente ng Leron, Buguey, Eleno Rabit, 63 anyos ng Leron, Buguey at Julie Tiri, 63 anyos ng Centro, Buguey.

Naaktuhan ang mga itong illegal na nag-ooperate sa Peryahan ng Bayan sa nasabing munisipalidad. Nasamsam sa operasyon ang cash bet o patayang aabot ng 11,909 pesos, mga papelitos at iba’t ibang gambling paraphernalia.

Isinagawa na ang imbentaryo sa mga nasamsam na ebidensiya sa lugar kung saan naaresto ang labing walo.

Pansamantala nasa kustodiya ng CIDG RFU2 ang mga suspek na nakatakdang kasuhan sa paglabag sa RA 9287 o Illegal Gambling Law. Rey Velasco