18 HVIs, P39M illegal sa mga operasyon ng NCRPO, iprenesenta kay Abalos, PNP chief

18 HVIs, P39M illegal sa mga operasyon ng NCRPO, iprenesenta kay Abalos, PNP chief

December 12, 2022 @ 5:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 18 high value targets ang naaresto sa isa na namang OTBT (One-Time-Big-Time) ng Law Enforcement Operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ipinakita ng NCRPO ang mga accomplishment sa isang linggong OTBT (One-Time-Big-Time) sa Anti- Illegal Drug Operations at Drug Surrenderers kaugnay ng “BIDA” Program kina Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos., PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr.,
PDEA Chief Usec Moro Virgilio Lazo, at USec Guilbert DC Cruz ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Sa isang linggong operasyon mula Disyembre 3 hanggang Disyembre 9, 2022, nagsagawa ng kabuuang 300 drug-bust operations ang NCRPO kung saan 18 na mga high value target, 384 street-level individuals, at 114 na personalidad na wala sa watchlist ang inaresto.

Sa mga operasyong ito, mahigit sa 5,790.35 gramo ng shabu at 2,074.32 gramo ng marijuana ang nasamsam at 357 kaso ang isinampa na may kabuuang P39,639,224.14 halaga ng nakumpiskang iligal na droga.

Sinusuportahan ng NCRPO ang DILG sa paniniwala nito na ang susi sa epektibong pagbawas sa demand para sa iligal na droga ay ang sama-samang pagkilos na nakatutok sa grassroots sa parehong prevention at rehabilitation sa pamamagitan ng pagtataguyod ng anti-drug education sa bawat antas, mula sa national programs hanggang barangay activities at school events.

Sa puntong ito, ang kampanya ay hindi lamang nakatutok sa pag-aresto sa mga drug personality at pagkumpiska ng mga iligal na droga kundi pati na rin sa pag-abot sa maraming gumagamit ng droga para sa kanilang boluntaryong pagsuko at tulungan sila sa kanilang pagsisikap na baguhin ang kanilang pamumuhay at maging mas produktibong indibidwal. Cesar Morales