18 kaso ng ‘illegal discharge of firearms’ naitala

18 kaso ng ‘illegal discharge of firearms’ naitala

January 3, 2022 @ 7:48 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Naitala ang 18 kaso ng ‘illegal discharge of firearms’ sa nagdaang holiday, ayon sa  Philippine National Police (PNP).

Karamihan dito ay sinabing dahil sa mga sibilyan.

Naitala rin ng PNP ang apat na ‘stray bullet incidents’ sa Ilocos, Calabarzon, Northern Mindanao, at Cordillera Regions.

Isa sa biktima ay nakabase sa Batangas na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo at ngayon ay ginagamot na.

“We have recorded one injury [from a] stray bullet in Batangas. So, sa ulo po siya tinamaan [he was hit in the head] and now he is in the hospital,” ani Police Colonel Nolie Asuncion.

Sugatan din ang isang babae sa Sinait, Ilocos Sur nang tamaan ng ligaw na bala noong New Year’s Eve.

Samantala, dalawang sundalo rin ang nahaharap sa six count ng frustrated murder makaraang barilin ng mga sibilyan habang nag-iinom nung Pasko.  RNT/FGDC