18 nakasalamuha ng close contacts ni ‘Poblacion girl’ sa La Union nasapul ng COVID

18 nakasalamuha ng close contacts ni ‘Poblacion girl’ sa La Union nasapul ng COVID

January 11, 2022 @ 2:30 PM 7 months ago


SAN FERNANDO CITY, La Union- Labingwalo sa 20 na close contacts sa event sa bayan ng San Juan, sa probinsya ng La Union ng dalawang close contacts ni Gwyneth Chua ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Mayor Arturo Valdriz.

Dumalo sa isang benefit concert para sa mga biktima ng bagyong Odette ang 20 indibidwal sa Kermit La Union, isang resto-bar sa food complex sa Urbiztundo village sa bayan ng San Juan noong Disyembre 29, 2021, ayon kay Valdriz.

Matatandaang dumalo si Chua, na tinagurian ng netizens bilang “Poblacion girl” sa isang party sa Poblacion village sa Makati City, matapos tumakas sa mandatory hotel quarantine pagkarating sa Ninoy Aquino International Airport noong Disyembre 22, at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Doctor Rheuel Bobis, COVID-19 focal person ng DOH sa Ilocos region, karamihan sa 20 close contacts ay walang sintomas ng virus.

Dahil dito, nagpalabas si Valdriz to issue ng executive order para sa pansamantalang pagsasara ng lahat ng establisimyento at restaurants sa lugar, epektibo noong Enero 8 at tatagal ng 15 araw.

“All confirmed cases shall be isolated at any available isolation facility in the town,” ani Valdriz. RNT/SA