18 nasakote sa Oplan Galugad, drug ops sa Valenzuela

18 nasakote sa Oplan Galugad, drug ops sa Valenzuela

April 30, 2022 @ 1:58 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kulungan ang kinabagsakan ng 18 na hinihinalang drug personalities, kabilang ang apat na babae matapos madakma sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Ayon kay PSMS Fortunato Candido, alas-11 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre ng buy bust operation sa Salt St. Llenado Subdivision, Brgy. Karuhatan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Sherwin Angeles alyas “Botchok”, 29 ng Area 4 Dumpsite Pinalagad Malinta.

Narekober sa kanya ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, P500 marked money, P200 bills at cellphone.

Dakong alas-1:30 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa No. 87, Doneza St., Balubaran, Brgy. Malinta sina Jeeppy Llamado, 41, Martin Angelo Gabayno, 31, Cristopher Nieva, 41, Anthony Pabios, 37, Kristine Mallari, 30, Joseph Verano, 54, Rodel Dela Rea, 40, Joseph Castro, 37, Gerry Rojero, 33, at Lee Matunan, 43, pawang residente ng lungsod.

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakumpiska sa mga nadakip ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P500 marked money, pitong cellphones, P1,440 cash at ilang drug paraphernalias.

Sa Barangay Bignay, nasakote din ng isa pang team ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo sina Mary Joy Borromeo, 23, Carmen Dalusong, 53, Nicanor Banaag, 33, Pio Toledo, 20, at Gerald Manalo, 45, pawang residente sa naturang barangay matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa Blk 39, Lot 45, Phase 1, Northville 1 bandang alas-2:20 ng madaling araw

Batay kay PCpl Christopher Quiao, nasamsam sa mga suspek ang nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,600 at ilang drug paraphernalias.

Habang naaresto rin sa buy-bust operation alas-4:20 ng Sabado ng madaling araw sa Clemente Compound, Brgy. Gen T De Leon si Nica Tagolino alyas “Neng”, 23 at Glenn John Rances, 30, (pusher/listed) at nakuha sa kanila ang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P500 marked money at cellphone. R.A Marquez