18 pasahero milagrong nakaligtas sa pagbasak ng eroplano sa Russia

18 pasahero milagrong nakaligtas sa pagbasak ng eroplano sa Russia

July 17, 2021 @ 8:15 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Russia – Himalang nakauwi na ang lahat ng mga tao na sakay ng eroplanong nawawala patungong Tomsk sa Russia nito lamang umaga, Hulyo 17.

Nagtamo ng ilang galos at sugat ang mga nasabing pasahero ng eroplano at ayon sa pamahalaan ng Russia ay wala namang nasawi.

Ang An-28 ay mayroong dalawang engine light turboprop plane na kayang magsakay ng 17 pasahero.

Kinilala ang pilotong si Farukh Khasanov ng eroplanong An-28, na nasa linya ng Siberian Light Aviation o (SiLA).

Ayon sa kanya, dalawa sa mga makina ang biglang hindi gumana sa gitna ng kanilang byahe kaya naman agad na nilang inanunsyo sa mga pasahero ang gagawing emergency landing.

Hindi lamang ito ang unang beses na nasiraan ang eroplano ng Russia.

Matatandaan na taong 2018 ng biglang bumagsak ang An-148 na nagtala ng 71 tao ang namatay at sinundan noong taong 2019 kung saan isang eroplano ng Russia ang biglang sumiklab sa apoy at namatay ang 41 na pasahero.

Dahil sa takot na dinanas ng ilang pasahero tumanggi ang Ilan sa kanila na isakay sa helikopter pabalik kaya’t ang pamahalaan ng Russia ay naghanda ng mga bus.

Malaki ang pasasalamat ng Gobyerno ng Russia sa piloto ng An-28 na ligtas niyang naibaba ang mga sakay ng kanyang eroplano.#

https://mb.com.ph/2021/07/17/all-18-on-missing-russian-plane-found-alive-in-miracle/


  •  
  •  
  •