18 senior PNP officials ‘di pa nagre-resign – spox

18 senior PNP officials ‘di pa nagre-resign – spox

January 17, 2023 @ 3:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tanging 18 police generals at full colonels na lamang ang hindi pa tumatalima sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos sa kanila na magsumite ng kanilang courtesy resignations, base kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Martes.

Inihayag ni Fajardo na 98% o 935 sa 953 senior PNP officers ang hindi pa bumababab sa pwesto hanggang nitong Lunes.

“Doon sa 18 na remaining, merong more or less walo po doon ay mga magre-retire in a few days or weeks. Ito po ang dahilan kung bakit hindi na sila magsa-submit ng resignation,” paglalahad niya.

Umapela si Abalos sa mga heneral at koronel ng PNP na magsumite ng kanilang ourtesy resignations bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na linisin ang hanay ng kapulisan mula sa mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ni Abalos na ito ang “only way to make a fresh start” sa PNP, at naghayag ng pagkabahala sa pagkakasangkot ng ilang high ranking police officers sa iligal na aktibidad.

Sasalain ng five-man committee, na kinabibilangan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang resignations. RNT/SA