18-year-old Pinoy pro-boxer todas sa sparring

18-year-old Pinoy pro-boxer todas sa sparring

September 9, 2022 @ 2:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 18-anyos na propesyonal na boksingero mula sa Cavite ilang araw matapos itong mag-collapse habang nasa-sparring session sa isang gym sa Makati City.

Ayon sa ulat,  si Axiel Van Dignos ay na-comatose ng ilang araw bago ito pumanaw noong Linggo ng gabi.

“Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong kasakit. Di ko mawari. Ang sakit talaga,” ayon sa kwento ni Charlito Dignos, coach at ama ng biktima, na daing nito bago ito isugod sa ospital.

Ang batang boksingero ay dahan-dahang gumagawa ng pangalan para sa kanyang sarili matapos manalo ng ilang laban sa flyweight division bago ang insidente.

Nagkwento pa ang ama ng boksingero na maganda ang ginagawa nito sa sparring ngunit nakaramdam umano ito ng pagod.

“Maganda galaw niya pati suntok niya malakas pero noong two rounds, nagsabi siya sa akin ‘Pa, pagod ako. Pagod na ako’. First time niya nagsabi sa akin nang ganoon pag may sparring,” wika ni Charlito.

Sinabi ng isang kinatawan ng Ospital ng Makati na namatay ito sa uncal herniation secondary to severe traumatic brain injury o nagkaroon itoi ng internal brain bleeding.

“Usually happens na biglaan dahil po ito… Due to injury sa ulo, due to repeated blows to the head, so pwede magka-intracranial bleeding,” ayon kay Dr. Jose Noel de Chavez, the chief surgical resident of the Ospital ng Makati.

 “Dahil nu’ng bleeding, nagkaroon ng increase ng pressure sa loob ng ulo kaya naipit ‘yung part ng utak na nagka-control sa paghinga at saka pagtibok ng puso ng pasyente,” dagdag pa ng physician.

Hindi sumailalim sa operasyon si Axiel dahil hindi stable ang kanyang kondisyon, ayon sa kanyang pamilya.

Tumanggi naman magbigay ng statemeng ang naka-spar ng namatay na batang boxer.JC