180 warplanes ng NoKor namataan ng SoKor

180 warplanes ng NoKor namataan ng SoKor

November 4, 2022 @ 6:03 PM 3 weeks ago


SEOUL, South Korea – Nagmadali ang South Korean military sa pagpapalipad ng kanilang mga stealth jets nitong Biyernes, Nobyembre 4 makaraang mamataan nila ang mobilisasyon ng nasa 180 North Korean warplanes.

Matatandaan na nagkasa ng record-breaking na pagpapakawala ng mga missile ang nasabing bansa ngayong linggo kung saan ang isa ay bumagsak pa sa dagat na sakop ng South Korea nitong Huwebes, Nobyembre 3.

“Our military detected around 180 North Korean warplanes mobilised in Pyongyang’s airspace”, ayon sa Joint Chiefs of Staff.

Dahil dito ay nagpalipad din ng nasa 80 fighter jet kabilang ang mga F-35A kaugnay ng joint drill sa Amerika upang maipakita ang kahandaan nito.

Nitong Huwebes, makaraang ianunsyo ng South Korea ang pagpapalawig sa joint drills nito sa US ay agad na nagpakawala ang Pyongyang ng tatlo pang short-range ballistic missile na tinawag na napakamapanganib at maling desisyon.

Ilang oras lang ang nakakalipas ay nagpaulan naman ng 80 artillery rounds ang North Korea na lumapag sa maritime buffer zone ng bansa.

Itinuturing itong malinaw na paglabag sa 2018 agreement na nagtatatag ng buffer zone sa dalawang bansa upang mabawasan ang tensyon sa lugar. RNT/JGC