1,800 insidente ng pagpalpak ng VCM naiulat – Comelec

1,800 insidente ng pagpalpak ng VCM naiulat – Comelec

May 9, 2022 @ 11:47 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kaliwa’t kanang aberya na ang naiuulat ukol sa mga palyadong vote counting machines (VCM) sa buong bansa ngayong araw ng Halalan 2022.

Sa pagkumpirma mismo ni Comelec Commissioner George Garcia na umabot na sa higit 1,800 VCMs ang pumalpak.

Kabilang sa mga insidente, pero naresolbahan na, ay ang:
– Paper Jam – 940 – Rejected ballots – 606 – VCM scanner – 158 – VCM printer not printing – 87 – Not printing properly -76

Tatagal ang Halalan 2022 hanggang alas-siyete ng gabi ngayong Lunes. RNT