1,800 kilometro ng expressway target ng DPWH

1,800 kilometro ng expressway target ng DPWH

September 23, 2022 @ 1:06 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Public Works and Highways o DPWH na makapagbuo ng aabot sa 1,800 kilometrong haba ng expressway sa loob ng anim na taon.

Ito ang inihayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan nitong Huwebes, Setyembre 22 kasabay ng economic briefing nito sa New York.

Ayon kay Bonoan, ang target na haba ng expressway na magagawa sa loob ng anim na taon ay dagdag 510% mula sa kasalukuyang haba ng mga expressway sa bansa.

“We plan to implement what we call a high standard highway network in the Philippines that will include the development of expressways from 510 kilometers at this time to about 1,800 kilometers within the next six years or so,” aniya.

Maliban dito, plano rin ng ahensya na bumuo ng mga bypass road at expressway papasok at palabas ng National Capital Region na sentro ng kalakalan sa bansa. RNT/JGC