18,012 pang bagong kaso ng COVID; 161 patay, 18,945 gumaling

18,012 pang bagong kaso ng COVID; 161 patay, 18,945 gumaling

September 7, 2021 @ 4:07 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Pumalo sa 18,012 ang naitalang bagong kaso ng COVID ngayong araw ng Martes, batay sa Department of Health.

Samantala, mayroon namang naitalang 18,945 na gumaling at 161 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na umabot sa 2,121,308 nasa 158,637 o 7.5% ang aktibong kaso

Nasa 1,928,173 o 90.9% naman ang  gumaling, at 1.63% o 34,498 ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 5, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 labs na ito ay humigit kumulang 3.6% sa lahat ng samples na naitest at 3.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sinabi ng DOH na sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19.

Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)