18,056 bagong kaso ng COVID naitala, 222 bagong nasawi

18,056 bagong kaso ng COVID naitala, 222 bagong nasawi

September 14, 2021 @ 4:04 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Patuloy na bumababa ang bilang ng bagong kaso ng coronavirus o COVID-19 na naitatala ng Department of Health araw-araw.

Ngayong Martes, Setyembre 14 nakapagtala lamang ng 18,056 na bagong kaso ng COVID na may kabuuan nang 2,266,066.

Bagama’t maituturing pa ring mataas ang bagong kaso na naitala, mataas naman ang bagong recoveries ngayong araw na umabot sa  20,542.

Dahil dito, na sa  2,052,867 ang COVID-19 recoveries habang nasa 222 naman ang bagong pumanaw sanhi para umakyat na sa 35,529 ang namamatay na sa naturang sakit.

Ang aktibong kaso naman ay nasa  177,670 kung saan may pinakamataas na naitala ang mild case na mayroong 85.8 percent.

Sa huling ulat ng DOH, operational lahat ang mga laboratoryo ngunit mayroong 12 na hindi nakapagsumite ng kanilang mga datos kaya asahan na sa susunod na mga araw ay tataas pa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •