180K pamilyang ‘di swak sa 4Ps pinalitan na – DSWD

180K pamilyang ‘di swak sa 4Ps pinalitan na – DSWD

September 17, 2020 @ 2:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinalitan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tinatayang nasa 180,000 pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa budget briefing sa kamara, iginiit ni DSWD Dir. Gemma Gabuya na nagkaroon sila ng ebalwasyon sa listahan.

Dito ay nakitang may mga pamilyang hindi naman pasok sa requirements ng 4Ps kaya agad tinanggal at pinalitan.

Batay sa kasalukuyang datos, nasa 4.3 milyon ang benepisyaryo ng 4Ps ng DSWD at target pang maitaas sa 4.4 milyon bago magwakas ang taon. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...