181 bagong kaso ng COVID naitala

181 bagong kaso ng COVID naitala

January 27, 2023 @ 8:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 181 bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Enero 26.

Dahil dito ay bumaba na sa 10,074 ang aktibong kaso ng sakit.

Ito na ang ikaapat na sunod na araw na mas mababa sa 200 na kaso ang naitatala.

Samantala, iniulat din ng DOH na umakyat naman sa 4,072,488 ang total caseload kabilang ang 3,996,679 recoveries.

Umakyat din sa 65,735 ang total death toll sa limang bagong nasawi.

Nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 956 bagong kaso, sinundan ng Calabarzon na may 503, Western Visayas sa 257, Central Luzon sa 246, at Davao Region sa 194.

Hanggang nitong Miyerkules, Enero 25, nasa 18.6% naman ang bed occupancy rate sa bansa na may 4,951 okupado at 21,736 na bakanteng COVID beds. RNT/JGC