181 Pinoy sa Ukraine nakipag-ugnayan na sa DFA

181 Pinoy sa Ukraine nakipag-ugnayan na sa DFA

February 25, 2022 @ 2:45 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Aabot na sa 181 Pilipino ang ‘accounted for’ na saUkraine sa gitna ng tesyon laban sa Russia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) official, Biyernes.

“We have accounted for 181 Filipinos, sila po ‘yung nagparamdam sa ating embahada at nagsabi kung nasaan sila, ngayon nakauwi na po ‘yung anim, kahapon po dapat apat ‘yung aalis pero hindi po natuloy dahil nagsarado po lahat ng airports ng Ukraine,” DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola sa Laging Handa public briefing.

“As of now there are 37 Filipinos on the road, on the way to Lviv actually eventually for repatriation,” dagdag pa niya.

Siniguro rin ng DFA ang publiko na nasa ‘top of the situation’ sila sa Ukraine sa usaping pag-asiste sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa gitna ng sigalot.

Hinihinatay pa rin ang atas ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. kung ipatutupad ang sapilitang repatriation sa mga Pinoy.

“Doon po sa ating mga kababayan sa Ukraine, kailangan po talagang makipag-ugnayan kayo sa Philippine Embassy at honorary consulate para mabigyan po namin kayo ng tulong, tulong po either repatriation, care packages, or financial assistance during this time of need,” ani Ariola.

Nasa 380 Filipino ang naninirahan sa Ukraine, karamihang ang nasa kapital ng Kyiv, ayon pa sa DFA. RNT