18,191 pang bagong kaso ng COVID naitala; 22,014 gumaling, 74 patay

18,191 pang bagong kaso ng COVID naitala; 22,014 gumaling, 74 patay

January 27, 2022 @ 4:02 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakikitaan na ng sunod-sunod na pagbaba ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala na lamang ngayong araw ng 18,191.

Sa recoveries, nakapagtala naman ng 22,014 habang 74 sa nasawi.

Sa pangkalahatan, sumampa na sa 3,493,447 ang tinatamaan ng impeksyon sa bansa na mayroong 226,521 na aktibong mga kaso na karamihan ay mild at asymptomatic.

Mula pa rin sa kabuuang mga kaso, ang 3,213,190 nito ay mga gumaling na sa sakit at 53,736 naman ang namamatay na sa naturang sakit.

Nangunguna naman ngayon sa  may pinakamaraming  naitalang mga kaso ang Region 4A , sinundan ng NCR at Region 11. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)