1,839 mamamayan stranded kay Quinta – PCG

1,839 mamamayan stranded kay Quinta – PCG

October 26, 2020 @ 11:45 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasa 1,839 na ang mga stakeholders na stranded dahil sa paghagupit ng bagyong Quinta.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) kabilang sa mga naantala ang kanilang mga byahe hanggang kaninang alas 4 ng umaga ay ang mga pasahero, truck drivers at cargo helpers.

Umabot na rin sa 929 rolling cargoes; 44 vessels; at 14 motorbancas ang stranded.

Partikular na napigil ang biyahe ng mga stakeholders sa Southern Tagalog, Bicol, Central Visayas, Western Visayas, at Eastern Visayas regions dahil sa sama ng panahon.

Ayon pa sa PCG, ang 125 vessel at 58 motorbanca ay kasalukuyan namang nakakubli sa ligtas na lugar upang makaiwas sa anumang aberya sa karagatan.

Nagpapatuloy naman ang 24/7 monitoring ng PCG sa buong bansa para tiyak na nasusunod ang mga panuntunan sa panahon na may bagyo.

Gayundin naka standby din ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations sa buong bansa para sa agarang pagtugon kapag kinakailangan sa koordinasyon na rin ng mga disaster response teams at ng lokal na pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...