184 MPD personnel sumailalim sa random drug testing

184 MPD personnel sumailalim sa random drug testing

November 25, 2021 @ 3:56 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ng random drug test  sa mga miyembro ng kapulisan ang Manila Police District Station 4 ngayong Huwebes.

Isinagawa ang drug testing sa MPD headquarters quadrangle kaninang umaga  kung saan maagang pumila ang mga kapulisan upang kumuha ng vial para sa kanilang urine samples.

Ayon kay MPD PIO Chief Capt. Philipp Ines, ang aktibidad ay bahagi ng  Intensified Cleanliness Policy na ipinatutupad ni MPD Director P/Brig Gen. Leo Francisco.

Maaalala na nagsagawa na rin ng random drug test sa mga kapulisan ng MPD nitong nagdaang mga buwan at negatibo naman lahat ang naging resulta.

Ayon pa kay  Capt. Ines, umabot sa 184 na kapulisan “in rank’ ang sumailalim sa random drug test ngayong araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden/ Jhun Mabanag