1,858 bagong COVID cases, naitala sa Pinas

1,858 bagong COVID cases, naitala sa Pinas

November 14, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nitong Linggo, nakapagtala ang Department of Health ng 1,858 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila ito ng pagbaba ng positivity rate sa nagdaang mga linggo.

Sa bagong karagdagang kaso sa bansa, umakyat ang bilang ng aktibong kaso sa 19,176 at kabuuang caseload sa 4,018,253.

May 346 na bagong gumaling na nagdala naman sa kabuuang recoveries sa 3,934,690.

Ang limang bagong namatay naman ay nagresulta sa 64,387 kabuuang COVID-19 deaths.

Ang National Capital Region (NCR) ang nagtala ng karamihan sa mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,849, na sinundan ng Region IVA o Calabarzon na may 1,685, Region VI o Western Visayas na may 1,367, at Region III o Central Luzon na may 1,011, at Region VII o Central Visayas na may 915.

Sa mga probinsya at lungsod, ang Davao del Sur ay mayroong 667 kaso, Quezon City na may 648, Cavite na may 579, Laguna na may 464 at 430 sa Iloilo.

Ang positivity rate para sa nakaraang linggo na sumasaklaw sa Nobyembre 6 hanggang 12 ay naitala ng 10.4%, mas mababa kaysa sa 11.3% na nakita noong nakaraang linggo.

Sa testing, mayroong 12,120 sample na nakolekta at 11,634 na indibidwal ang nasuri noong Sabado, Nobyembre 12, na may pinagsama-samang positivity rate na 13.8%.

Nitong Nov.11, ang naitalang bed occupancy rate ng bansa ay 24.4% dahil sa 577 ng 2,799 intensive care unit o ICU beds, at 6,363 ng 25,667 non-ICU beds ang okupado. Jocelyn Tabangcura-Domenden