18,638 pang bagong kaso ng COVID naitala; 13,106 gumaling, 68 patay

18,638 pang bagong kaso ng COVID naitala; 13,106 gumaling, 68 patay

January 28, 2022 @ 4:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Umabot na sa 3,511,491 ang kabuung bilang ng coronavirus disease sa bansa makaraang madagdagan pa ng 18,638 na bagong kaso ngayong January 28.

Nadagdagan din ng 13,106 na bagong gumaling kaya umakyat na ito sa 3,226,032 kabuuan.

Nasa 68 naman ang nadagdag sa pumnaw na ngayon ay mayroon ng 53,801 sa pangkalahatan.

Ang aktibong kaso naman ay mataas pa dahil mayroon pa itong 231,658.

Operational naman ang lahat ng laboratory maliban sa apat na hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)