1,870 magsasaka sa Pampanga nabigyan ng ayuda ng DA

1,870 magsasaka sa Pampanga nabigyan ng ayuda ng DA

November 10, 2022 @ 1:29 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nabigyan ng cash aid o pinansyal na ayuda mula sa Department of Agriculture – Region 3 ang nasa 1,870 magsasaka ng bigas sa probinsya ng Pampanga.

Ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance program ng kagawaran kung saan nakatanggap ng tig-P5,000 cash ang mga magsasaka.

Ginanap ang pamamahagi ng ayuda sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando ng naturang probinsya.

Sa programa, kasali ang mga magsasaka na nakalista sa registry system ng DA kung ito ay may sinasakang lupain na hindi lalampas sa dalawang hektarya.

Ayon pa sa ahensya, layunin ng naturang programa na matulungan ang mga magsasaka ng bigas na matinding naapektuhan ng Rice Tariffication Law.

Matatandaan na sa ilalim ng Rice Tarrification Law ay inaalis ang restriksyon sa dami ng mga bigas na iaangkat mula sa ibang bansa dahilan upang bumagsak ang presyo ng mga bigas na itinanim dito. RNT/JGC