1,874 bagong kaso ng COVID, naitala

1,874 bagong kaso ng COVID, naitala

November 27, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tatlong sunod na araw nang nakapagtatala lamang ng mahigit 1,000 bagong impeksyon ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH)

Ito ay matapos na madagdagan ng 1,874 lamang na bagong kaso ng sakit nitong Sabado, Nobyembre 26 habang ang aktibong kaso ay tumaas sa 18,348.

Batay sa pinakahuling numero ng DOH, tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa 17,945 na naitala noong Biyernes.

Dahil sa bagong mga kaso, ang total loadcase ngayon sa bansa ay umabot na sa 4,032,326.

Iniulat ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo na may 3,418 kaso na naitala; sinundan ng Calabarzon na may 1,801; Kanlurang Visayas na may 1,162; Central Luzon na may 994; at Central Visayas na may 982 kaso.

Sinabi ng DOH na ang recovery tally sa COVID-19 ay tumaas sa 3,949,407, habang ang namatay ay tumaas sa 64,571.

Ang bed occupancy sa bansa ay bahagyang tumaas sa 23.6%, na may 6,694 okupadong kama habang 21,718 ang bakante nitong Nobyembre 24.

Sa kabuuan, 12,087 indibidwal ang nasuri, habang 340 testing lab ang nagsumite ng data noong Biyernes, Nobyembre 25. Jocelyn Tabangcura-Domenden