188 COVID-19 cases sa region 2

188 COVID-19 cases sa region 2

July 15, 2020 @ 6:05 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Cagayan Valley – Umakyat na sa 188 ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa region 2 matapos na madagdagan ng bagong 11 na naitala ng Department of Health (DOH) Cagayan Valley.

Ang una ay si CV178 na 34 anyos na lalaki na taga-Mallig, Isabela at OFW na galing sa Dubai

Ikalawa si CV179 na 30 anyos na lalaki na taga-Quezon, Isabela at OFW na galing sa Canada.

Ikatlo si CV180 na 41 anyos na babae na taga-Delfin Albano, Isabela na galing sa Caloocan City at naka-confine sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC ) sa Tuguegarao City.

Ikaapat si CV181 na 20 anyos na babae na taga-Aurora, Isabela, galing sa Paranaque City at nakasalamuha si CV152.

Ikalima si CV182 na batang lalaki na 9 anyos na taga-Lasam, Cagayan at galing sa Caloocan City.

Ikaanim si CV183 na 16 anyos na dalagita na taga-Calamaniugan, Cagayan at galing sa Caloocan City.

Ikapito si CV184 na 21 anyos na lalaki na taga-Calamaniugan, Cagayan at galing sa Caloocan City.

Ikawalo si CV185 na 35 anyos na lalaki na taga-Alfonso Castanieda, Nueva Vizcaya na galing sa Makati City at nasa DOH-NCR quarantine  facility.

Ikasiyam si CV186 na 48 anyos na lalaki taga-Iguig, Cagayan, galing sa Pasig City at nakasalamuha sa CV152.

Ikasampu si CV187 na 41 anyos na lalaki na taga-Iguig, Cagayan at nakasalamuha si CV152.

Ikalabing-isa si CV188 na 20 anyos na lalaki na taga-Iguig, Cagayan at nakasalamuha si CV152.

Base sa naitala ng DOH ang sampung bagong COVID-19 positive ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.

Dahil dito, pinag-iingat ang publiko dahil sa patuloy pa rin ang banta ng pandemic virus. Rey Velasco


  •  
  •  
  •  

Loading...