1,891 bagong kaso ng COVID naitala mula Enero 16 ‘gang 22

1,891 bagong kaso ng COVID naitala mula Enero 16 ‘gang 22

January 24, 2023 @ 7:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng kabuuang 1,891 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa mula Enero 16 hanggang Enero 22, ayon sa ulat ng Department of Health nitong Lunes, Enero 23.

Sa pinakahuling bulletin ng ahensya, mas mababa ang mga bagong kaso ng COVID na naitala ngayong linggo kumpara sa 2,934 kaso na naitala mula Enero 9 hanggang Enero 15.

Mas mababa rin ng 35% ang daily case average na 270 mula sa nakaraang linggo na 419.

Nagmamarka ito ng ika-12 linggo na mas mababa sa 10,000 ang naitatalang weekly new cases, at ika-apat na linggo naman ng mas mababa sa 5,000 ang mga bagong kaso na naitatala.

Ayon sa OCTA Research, bumagsak pa sa 2.4% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region nitong Enero 21 mula sa 3.7% noong Enero 14. RNT/JGC