1897 pulis sa Ilocos na-promote

1897 pulis sa Ilocos na-promote

January 11, 2023 @ 12:25 PM 4 weeks ago


ILOCOS – Nasa 1897 na newly promoted region 1 cops at 166 personnel mula sa Regional Support Units ang nanumpa sa tungkulin sa isinagawang donning at pinning of ranks and oath takings sa PRO 1 Grandstand sa Camp BGen. Oscar M. Florendo sa San Fenando, La Union kahapon ng umaga, Enero 10.

Ang 1897 na napromote na pulis sa rehiyon ay binubuo ng 206 Police Commissioned Officers (PCOs) at 1,813 na Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) na naka-assign sa Regional Headquarters, Police Provincial Offices, sa City at sa Municipal police units pati na ang mga personnel na naka-assign sa mobile forces.

Mismong si PBGen. John C. Chua, Regional Director ng PRO1, ang nagpanumpa sa mga newly promoted cops.

Sa mga commissioned officers, 9 ang napromote sa pagka-Police Major, 182 ag napromote sa Police Captain, 15 sa Police Lieutenant.

Para naman sa PNCOs, 8 ang napromote sa Police Executive Master Sergeant; 70 sa Police Chief Master Sergeant; 129 sa Police Senior Master Sergeant; 239 sa Police Master Sergeant; 637 sa Police Staff Sergeant; at 608 sa Police Corporal.

Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ni PBGen. Chua na “promotion does not mean more authority, but implies more responsibilities and contributions to the PNP organization.”

Aniya, “Habang tumataas ang ating ranggo, kaakibat nito ang pagtaas din ng ating tungkulin. Dahil dito , dapat tayong maging mas maingat sa ating mga kilos, salita at mas magiging masigasig sa pagtupad ng ating tungkulin. Tayong mga nakatatatanda sa serbisyo ay magsilbi sanang gabay sa ating mga kapwa pulis. In short, we should lead by a good example.” Rolando S. Gamoso