18K bata bakunado na vs COVID; pediatric vaccination pinalawig sa Bulacan

18K bata bakunado na vs COVID; pediatric vaccination pinalawig sa Bulacan

February 9, 2022 @ 5:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 18,000 bata na nasa edad lima hanggang 11 ang bakunado laban sa COVID habang pinalawig naman ang pediatric vaccination sa Bulacan.

Pinapurihan naman ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang ceremonial launching ng “Resbakuna Kids” sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Aniya, nasa 18,000 bata na ang naturukan ng first dose ng  reformulated Pfizer vaccine sa unang dalawang araw ng programa.

“Nagkakaisa po tayo sa iisang layunin na protektahan ang ating mga anak sa sakit at tiyakin ang kanilang kalusugan at magandang kinabukasan,” ani Galvez.

Habang ang national government naman ang magdedesisyon sa pagtuturok sa mga sanggol hanggang 4-anyos na bata tulad sa United States.

“Ang sinasabi ni Dr. [Anthony] Fauci, kailangan maaprubahan na ang zero to four. Meaning, sila nagpaplano na sa US, very advanced ang medicine nila, nagpaplano na sila na by the end of February or beginning of March magsisimula na rin sila sa zero to four,” dagdag pa nito.

Si Fauci ay chief medical adviser ni US President Joseph “Joe” Biden Jr. RNT/FGDC