19-anyos na pamangkin ng napatay na Cebu drug lord, timbog sa P3-M shabu

19-anyos na pamangkin ng napatay na Cebu drug lord, timbog sa P3-M shabu

October 11, 2018 @ 2:37 PM 4 years ago


Cebu – Natimbog ng pulisya ang 19-anyos na lalaking pamangkin ng dating big time drug Lord sa Cebu City, matapos ang ikinasang drug bust operation kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Fiel Secretaria, pamangkin ng napatay na drug Lord na si Rowen “yawa” Secretaria.

Sa ginawang operasyon ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pardo Police Station, nadakip si Fiel sa kaniyang bahay sa Barangay Ermita pasado ala 1 ng madaling araw.

Nakuha mula sa kaniya ang nasa P3 milyon halaga ng shabu.

Ayon kay Chief Insp. Regino Maramag, hepe ng Pardo Police, isinailalim nila sa surveillance ang suspek sa loob ng mahigit isang buwan bago nila ikinasa ang buy bust.

Nang makumpirmang sangkot ito sa bentahan ng ilegal na droga ay agad silang nagplano ng operasyon.

Tinangka pa umanong tumakas ang suspek pero naaresto rin ito ng mga nakaabang na pulis.

Ang tiyuhin ni Fiel na si Rowen ay nasawi sa police operartion sa Banacon Island, bayan ng Getafe sa Bohol nooong May 2016. (Jeff Gallos)