19-anyos napitpit sa higanteng trak

19-anyos napitpit sa higanteng trak

February 17, 2022 @ 6:45 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hindi umubra ang tulin ng isang rider matapos pumailalim at makipagkarera sa 10-wheeler truck kamakalawa ng gabi sa Jaro City.

Kinilala ang nasawi na si Neil Aldrin Socorro, 19, residente ng Barangay Pagsanga-an, Pavia, Iloilo.

Nasa kustodiya naman ng Jaro Police Station ang suspek at driver ng Isuzu 10-wheeler truck na kinilalang si Denmark Gambito, 36 ng Buenavista, Guimaras.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente gabi sa may bahagi ng Circumferential Road sakop ng Barangay Tacas, Jaro.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Socorro ang kanyang Yamaha Mio motorcycle kasabay ang Isuzu truck na may plakang CAL-2760 na minamaneho naman ni Gabito.

Parehong mabilis ang patakbo ng dalawa at halos nakikipag karerahan si Socorro dahil gusto nitong malampasan ang truck.

Subalit, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima hanggang sa sumemplang ito sa pumailalim sa truck na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property./Mary Anne Sapico