19 patay sa heat wave sa Canada

19 patay sa heat wave sa Canada

July 5, 2018 @ 2:07 PM 5 years ago


Canada – Aabot sa 19 ang namatay sa naitalang heat wave sa Quebec ayon sa mga health official sa bansa.

Sa twitter post ni Prime Minister Justin Trudeau, nagparating ito ng pakikiramay sa mga namatayan dahil sa heat wave.

“The record temperatures are expected to continue in central and eastern Canada, so make sure you know how to protect yourself and your family,” dagdag pa ni Trudeau.

Ayon kay regional public health director Mylene Drouin, ang mga namatay ay pawang mga matatanda o yung mga may malulubha nang sakit.

Pumalo sa 34 degrees Celsius (93 Fahrenheit) ang temperature na nararamdaman sa lugar ayon sa kanilang meteorological service.

Naglagay na ng heat warning ang gobyerno sa parteng ito ng rehiyon pero ayon sa pagtaya ng mga meteorologist, posible pang bumagsak ang temperature sa pagtatapos ng linggong ito.

Wala namang naitalang namatay sa katabing probinsiya nito na Ontario na nakararanas din ng parehong taas ng temperature.

Taong 2010 nang umabot sa 100 ang namatay dahil din sa heat wave sa Montreal. (Remate News Team)