China – Aabot sa labingsiyam ang patay sa malaking pagsabog na naganap sa isang planta ng kemikal sa Southwestern China.
Bukod dito nasa labingdalawa naman ang naitalang sugatan sa tinaguriang ‘latest deadly industrial incident’ sa Yibin City sa Sichuan province.
Ang gusali na pinagmulan ng pagsabog ay ang Hengda na isang chemical manufacturer na isa rin sa pinakamalaking producer ng kemikal sa buong mundo.
Ayon sa mga otoridad stable naman ang kondisyon ng mga dinala sa ospital.
Sa nagdaang mga taon, ilang industrial accidents na ang naitala sa China kabilang na ang chemical blast sa isang container storage facility sa Tianjin na ikinasawi ng 165 noong 2015. (Remate News Team)