19 patay sa suicide bombing sa Afghanistan

19 patay sa suicide bombing sa Afghanistan

September 30, 2022 @ 5:13 PM 2 months ago


AFGHANISTAN – Patay ang 19 na indibidwal sa panibagong suicide bombing attack sa isang learning center sa Kabul, Afghanistan.

Sumabay pa ito sa paghahanda ng mga estudyante sa paparating na university entrance exam.

“Students were preparing for an exam when a suicide bomber struck at this educational centre. Unfortunately, 19 people have been martyred and 27 others wounded,” pahayag ni Kabul police spokesman Khalid Zadran.

Ang Kaaj Higher Educational Center ay isang learning center na nagsasanay ng mga estudyante sa pagpasok ng mga ito sa university entrance exam, na siyang pinuntirya ng suicide bombing.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at kung ano ang motibo sa pag-atake.

“Security teams have reached the site, the nature of the attack and the details of the casualties will be released later,” ani Abdul Nafy Takor, tagapagsalita ng interior ministry ng Afghanistan.

“Attacking civilian targets proves the enemy’s inhuman cruelty and lack of moral standards,” dagdag pa niya. RNT/JGC