19 Pinoy gold medalist sa Math Olympiad

19 Pinoy gold medalist sa Math Olympiad

January 15, 2023 @ 2:31 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Labingsiyam na Filipino ang nag-uwi ng gintong medalya sa World International Mathematical Olympiad (WIMO) na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Enero 7 hanggang 8.

Una sa listahan ng mga gold medalists ay ang tatlong World Champions na nanguna sa kani-kanilang grade levels, ito ay sina Alexandra Brianne Gochian (St. Jude Catholic School) para sa Senior Secondary Group, Harvey James Dolar (Philippine Science High School – Main Campus) sa Secondary 3 Group at Mateo Inigo Espocia (Genesis Christian Academy) sa Primary 5.

Kumumpleto naman sa elite pool ng World gold medalists ay sina Caiser Charleton Chua So, Skyler Ioan B. Uy, Linaiah Amethyst O. Flores, Lourd Grey M. Latido, Liam Spark Peña Palarca, Lineth Mikaela B. Muldez, Agatha Maria Eden O. Nunag, Skyler Ycaruz O. Flores, Zac Andre E. De Lara, Jenelle Nyka G. Lee, Princess Abbey Cziarah A. Aquino, Arwin Peter C. Castro, Evan Justin E. Panergo, Matt Raymond Ayento, Matthew Charles C. Carpio at Rey Stephen Chua.

Inirepresenta ang Pilipinas ng 178 delegado mula kinder hanggang senior high school, na nakakuha rin ng 52 silver at 67 bronze medals.

Ang partisipasyon sa WIMO ay by invitation lamang sa final round sa tatlong international math competitions: Hong Kong International Mathematical Olympiad, Thailand International Mathematical Olympiad at Guangdong Greater Bay Area Mathematical Olympiad.

Labing-apat na bansa naman ang kwalipikado sa WIMO ngayong taon kabilang ang Australia, Hongkong, Bulgaria, Iran, the Philippines, Indonesia, Malaysia, Vietnam, India, Myanmar, Cambodia, Azerbaijan, Sri Lanka at Thailand.

Inihanda naman ng panel ng international experts ang mga tanong sa WIMO test sakop ang iba’t ibang topic sa math tulad ng logical thinking, arithmetic, number theory, geometry at combinatronics. RNT/JGC