19 Pinoy seafarers mula Ukraine, nakauwi na sa Pinas!

19 Pinoy seafarers mula Ukraine, nakauwi na sa Pinas!

March 17, 2022 @ 5:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang 19 pang Filipino seafarers mula Ukraine na inilikas sa gitna ng nangyayaring gulo sa pagitan nila ng Russia.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Foreign Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na Miyerkules ng gabi nang dumating sa bansa ang mga tripulante ng Chariana L.

Dahil dito, nasa 329 na ang bilang ng mga Pilipinong sa Ukraine ang napauwi na sa Pilipinas.

Bukod dito may 41 pa ang nailikas na rin.

Hanggang ngayong araw, 370 Pilipino na sa Ukraine ang natulungan ng DFA. RNT/ JCM