19 prayoridad na batas inilatag ni PBBM

19 prayoridad na batas inilatag ni PBBM

July 26, 2022 @ 9:54 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malaking Kapulungan ng Kongreso na ipasa ang kanyang 19 priority measures.

“As I am here today addressing the legislature, let me propose legislation that we would like for you to pass,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 25.

Itinutulak ni Pangulong Marcos ang mga batas na makatutulong na mapahusay ang government services sa ilalim ng kanyang liderato.

“The proposed National Government Rightsizing Program (NGRP), the Budget Modernization bill, the proposed E-Government Act, and the proposed E-Governance Act are among the measures aimed at improving service delivery in government,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang NGRP aniya ay isang reform mechanism na naglalayong ” enhance the government’s institutional capacity to perform its mandate and provide better services, while ensuring optimal and efficient use of resources. “

Ang rightsizing efforts, ayon kay Pangulong Marcos ay may kinalaman sa pagsasagawa ng “comprehensive strategic review of functions, programs and projects that will cut across various agencies. “

“Compared to previous government reorganization efforts, the NGRP will entail a comprehensive strategic review of the functions, operations, organization, systems and processes of the different agencies, and massive and transformational initiatives in agencies concerned, such as merger, consolidation, splitting, transfer, and abolition of some offices,” aniya pa rin.

Aniya ang panukalang Budget Modernization law ay naglalayong i- institutionalize ang Cash-based Budgeting System (CBS), na in-adopt sa bisa ng Executive Order 91 na nilagdaan noong 2019, para palakasin ang fiscal discipline sa alokasyon at paggamit ng budget resources.

“The measure would ensure that every peso budgeted by the government would lead to the actual delivery of programs and projects,” ayon sa Pangulo.

“The full implementation of the CBS is timely and vital as the government executes response and recovery plans post- pandemic,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, hiniling din ni Pangulong Marcos sa Kongreso na suportahan ang E-Government Act na naglalayong “provides for the establishment of the E-Government Master Plan which shall cover all e-government services and processes.”

Ang panukalang E-Governance Act, sa kabilang dako ay naglalayon pa rin na i-promote ang paggamit ng Internet, Intranet, iba pang Information and Communications Technology na makapagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayan.

Nais din ni Pangulong Marcos na maipasa ang panukalang batas na magtatatag sa Virology Institute of the Philippines (VIP) at sa Department of Water Resources (DWR).

Ang proposed VIP, aniya naman ay magsisilbing attached agency ng dating Department of Science and Technology (DOST).

“All offices and units under the DOST with functions related to virology shall be transferred to the VIP,” ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, ang panukalang Integrated Water Resource Management (IWRM) ay ia-adopt bilang strategic framework para sa “national water management, policymaking and planning,” sa oras na malikha na ang DWR.

Binanggit din ng Pangulo ang paglikha sa Medical Reserve Corps (MRC) at Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC), na ia- attached sa Department of Health (DOH).

Ang MRC, na nasa ilalim ng Health and Emergency Management Bureau (HEMB) ng DOH, ay kinabibilangan ng licensed physicians, medical students na naka-kompleto na ng kanilang four years ng medical course, graduates of medicine, registered nurses, at licensed allied health professionals.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang Pangulo na susuportahan ng Kongreso ang “Tax Package 3: Valuation Reform Bill and the Tax Package 4: Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA). “

Ang iba pang priority measures ng administrasyong Marcos ay ang panukalang Internet Transaction Act or E-Commerce Law, at maging ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE).

“The E-Commerce Law aims the establishment of an effective regulation of commercial activities through the internet or electronic means,” ayon kay Pangulong Marcos.

“The GUIDE bill, meantime, seeks to provide financial assistance to distressed enterprises critical to economic recovery through programs and initiatives that will be implemented by the Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines and Philippine Guarantee Corporation,” aniya pa rin.

Itinutulak din ni Pangulong Marcos ang panukalang batas na magsusulong na amiyendahan ang Build-Operate-Transfer (BOT) Law, layunin nito na i- improve ang implementasyon ng Public Private Partnership (PPP) Program at i- align ang nais na outputs at outcomes kasama ang strategic development targets ng bansa.

“The amendments, would address the ambiguities in the existing law and the bottlenecks and challenges affecting the implementation of the PPP Program,”
ayon sa Pangulo.

Aniya pa, ang pag-amiyenda sa BOT Law ay naglalayong makalikha ng “more competitive and enabling environment” for PPP.

Kumpiyansa rin ang Punong Ehekutibo na susuportahan ng Kongreso ang “enactment of an enabling Law for the Natural Gas Industry. “

“This primarily seeks to foster the development of the Midstream Natural Gas Industry in a bid to strengthen Philippine energy security by diversifying the country’s primary sources of energy and promoting the role of natural gas as a complementary fuel to variable renewable energy,” aniya pa rin.

Hiniling din niya sa mga mambabatas na amiyendahan ang Republic Act (RA) 9136, o mas kilala bilang “Electric Power Industry Reform Act or EPIRA, to improve the implementation of the law’s provisions and enhance its effectiveness to address high cost of electricity, alleged market collusion, and insufficient power supply. “

“The bill seeks to restructure the Energy Regulation Commission (ERC) to foster accountability and improve the commission’s government system that would ensure consumer protection and in enhancing the competitive operation of the electricity market,”ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Inaasahan naman ng Pangulo na susuportahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang National Land Use Act, the proposed National Defense Act, at ang panukalang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP).

Ang National Land Use Act ay nagsasaad na “rational and holistic” management and development of country’s land and water resources; hold owners accountable for making lands “productive and sustainable”; strengthen the local government units to manage ecological balance within its jurisdiction. “

“It also provides for Land Use and Physical Planning/Framework as a mechanism in determining policies and principles to implement this legislative measure,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang National Defense Act sa kabilang dako ay “seeks amendments to the antiquated National Defense Act of 1935 to provide for a change in the military structure of the Armed Forces of the Philippines, making it “more responsive to current and future non-conventional security threats to the country’s territorial integrity and national sovereignty,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang diin pa ng Punong Ehekutibo ang pangangailangan na i-reinstitute ang ROTC program bilang mandatory component ng senior high school programs (Grades 11 and 12) sa lahat ng all public at private tertiary-level educational institutions.

“The aim is to motivate, train, organize and mobilize the students for national defense preparedness, including disaster preparedness and capacity building for risk-related situations,” ayon sa CHief Executive.

Gayundin, nais ng Pangulo na i-nstitutionalize ang United System of Separation, Retirement and Pension na naglalayong pagkalooban ng monthly disability pension, alinsunod sa disability benefits na nakasaad sa iallim ng umiiral na batas parav sa military and uniformed personnel (MUPs) na nga-retiro “by reasons of disability. ” Kris Jose