19 Siargao surfers sasabak sa La Union int’l tourney

19 Siargao surfers sasabak sa La Union int’l tourney

January 18, 2023 @ 5:14 PM 1 week ago


BUTUAN CITY – Labinsiyam na propesyonal surfers mula sa Siargao Island sa Surigao del Norte ang lalahok sa Enero 20 hanggang 26 sa World Surfing League (WSL) La Union International Pro.

“Nasa competition site na ang mga surfers natin since Jan. 16, Monday. Kailangan nilang gawing pamilyar ang surfing site lalo na ang mga alon ng Urbiztondo Beach sa La Union,” ayon organizers ng event.

Tampok sa international surfing event ang Men’s and Women’s Qualifying Series 3,000 at ang Longboard Qualifying Series (LQS) 1,000.

Ayon sa WSL,  ang La Union international surfing event ay “magiging isa lamang sa ilang mga Longboard event sa Asia Region sa 2023.”

“Pagkatapos ng dalawang kaganapan sa LQS, ang nangungunang lalaki at nangungunang babae sa mga ranggo ay bibigyan ng puwesto sa 2023 WSL Longboard Tour na tatakbo sa ikalawang kalahati sa apat na lokasyon sa buong mundo,” sabi ng WSL.