19,536 bagong COVID cases naitala mula Hulyo 18-24

19,536 bagong COVID cases naitala mula Hulyo 18-24

July 25, 2022 @ 4:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Mula Hulyo 18 hanggang 24, umabot sa 19,536 na bagong kaso ang naitala sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,791, mas mataas ng 33 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 11 hanggang 17.

Sa mga bagong kaso, 56 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 42 na pumanaw at wala sa mga ito ang naganap noong Hulyo 11 hanggang 24.

Noong ika-24 ng Hulyo 2022, mayroong 666 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,664 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 578 (21.7%) ang okupado. Samantala, 26.0% ng 22,331 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 71 milyong indibidwal o 91.61% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 15.9 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.87% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series

Muling pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden