199 bagong kaso ng COVID naitala

199 bagong kaso ng COVID naitala

January 29, 2023 @ 8:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health ng 199 bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Enero 28.

Dahil dito ay bumaba pa sa 10,038 ang aktibong kaso ng sakit sa bansa.

Nitong Biyernes, Enero 27, ang aktibong kaso ng COVID-19 ay nasa 10,094.

Samantala, tumaas naman sa 4,072,844 ang cumulative number of cases sa buong bansa.

Nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 858, sinundan ng Calabarzon sa 433, Western Visayas sa 256, Central Luzon sa 216 at Davao Region sa 196.

Maliban dito, mayroon namang 304 pasyente ang nadagdag sa recovery tally kung kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 3,997,049 na.

Tumaas din sa 65,757 ang death toll sa apat na bagong nasawi. RNT/JGC