19K COVID cases kada araw sa Agosto 31 ibinabala ng DOH

19K COVID cases kada araw sa Agosto 31 ibinabala ng DOH

July 26, 2022 @ 1:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinabala ng Department of Health na posibleng umabot ang bilang ng mga impeksyon sa COVID-19 sa bansa ng hanggang 19,000 kada araw sa Agosto 31.

Sa pagbanggit sa mga pinakabagong projection at kasalukuyang trend ng kaso nito, sinabi ng DOH na ang mga kaso gn COVID-19 sa bansa ay nagpapakitang nasa “ continuous uptrend” na maaring magdala ng tinatayang 19,306 na kaso araw-araw sa katapusan ng Agosto.

Gayunman, binanggit ng DOH na ang pagtaas ng kaso ay mabagal at higit na kontrolado kung ang primary vaccines series at booster coverage ay mapabuti at ang pagsunod sa minimum public health standards ay magpapatuloy.

Ayon sa DOH, kung mangyayari ito, ang nasabing bilang ng impeksyon ay bababa sa 6,194 hanggang 8,346 kaso kada araw sa nasabing panahon.

Ipinunto ng DOH na maliban sa potensyal na pagtaas ng kaso, pagsubaybay sa hospitalization rates at admissions ay napakahalaga rin.

“While we do consider COVID-19 case numbers in determining an area’s alert level, we would like to emphasize the larger focus we have on admission and hospital utilization rates,” sabi ng pahayag ng DOH

“With the advances in COVID-19 treatment and the availability of vaccines to combat severe and critical disease, as well as deaths, we now have the capability to reduce the vulnerable population and keep hospital utilization and fatalities to a minimum.”

Base sa OCTA Research katest data, ang healthcare utilization rate (HCUR) para sa COVID-19 sa Bohol at Iloilo ay lumampas sa 50 percent threshold na nagtala ng 57.7 percent at 52.4 percent ayon sa pagkakabanggiyt noong Linggo, Hulyo 24.

Ang isang linggong HCUR ng National Capital Region (NCR) ay umakyat din mula 30.7 percent hanggang 31.7 percent sa parehong panahon, kung saan 27.3 percent ng mga intensive care unit (ICU) nito ang nasakop.

Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pagsusuot ng facemask, pag-isolate at pagpapaalam sa malalapit na kontak kapag may sakit ,pagdodoble ng proteksyon sa pamamagitan ng mga bakuna at pagtiyak ng maayos na daloy ng hangin upang makontrol ang pagaklat ng virus.

Bilang bahagi ang plano ng gobyerno na sugpuin ang mga impeksyon sa COVID-19, ang DOH kasama ang mga local government units ay naglunsad ngayong Hulyo 26 ng isang kampanya na naglalayong magbigay ng mga booster sa 50 percent ng karapat-dapat na populasyon ng bansa sa susunod na tatlong buwan.

Nilalayaon din ng kampanya na mabakunahan ang 90 percent ng target na pangkat ng populasyon ng senuor citizen sa loob ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden