1K edad 5-11 target mabakunahan sa pilot vax — NVOC

1K edad 5-11 target mabakunahan sa pilot vax — NVOC

February 5, 2022 @ 2:56 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Target ng gobyerno na maturukan ang nasa 1,000 bata na nasa edad lima hanggang to 11 para sa pilot implementation ng COVID-19 vaccination sa naturang age group sa Lunes, Pebrero 7.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Co-Lead Dr. Kezia Lorraine Rosario, 38 vaccination site ang bubuksan sa National Capital Region (NCR).

“Sa ngayon, ang iniexpect lang natin ay mga a thousand or so yung mga mabakunahan natin kasi pilot pa lamang ito. So, tinitingnan natin how well—-paano yung rollout, paano yung operations, at paano yung acceptance ng vaccine recipients, yung mga children, at yung mga magulang,” ani Rosario sa public briefing.

Bubuksan din ang piling site sa Central Luzon, Calabarzon, at Maguindanao.

Habang bubuksan naman ang vaccination centers sa Region 3 sa Pebrero 9 partikular na sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando, Pampanga; Bulacan Medical Center sa Malolos, Bulacan; Tarlac Provincial Hospital sa Tarlac; Bataan General Hospital sa Balanga, Bataan; at Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Nueva Ecija. RNT/FGDC