1K nars, wanted sa US; P400K sahod, inaalok

1K nars, wanted sa US; P400K sahod, inaalok

September 13, 2022 @ 10:36 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangangailangan ang Amerika ng 1,000 registered nurse at 200 medical technologist.

Ito ay para sa tumataas na populasyon ng mga matatanda sa nasabing bansa.

Aabot naman umano sa P400,000 ang sasahuruin ng mga nars doon kung saan may signing bonus pa ng $1,000.

Maliban sa sahod, immigrant visa pa umano ang ibibigay at sagot ng kompanya ang lahat, ayon sa Ruru Global Recruitment Services.

Bukod sa Amerika, nangangailangan din ng mga nurse sa Middle East gaya ng Saudi Arabia.

Habang butler, house keeping staff, front office staff, executive manager at mga chef naman ang hinahanap sa Jordan. RNT